Sinimulan ngayong araw ang 2-Day Barangay Orientation on QC e-Services na ginanap sa MICE Center.
Tinipon ang mga barangay officials mula sa iba-ibang distrito upang mas palakasin ang kaalaman sa paggamit ng QC Biz Easy, iDeclare Easy, at QC Pay Easy.
Nagbigay ng welcome message si City Administrator Mike Alimurung, kasunod ang QC e-Services overview na ipinresenta ni Ms. Mary Dianne Lapitan ng ITDD. Tinalakay naman ni City Assessor Atty. Sherry Gonzalvo ang iDeclare Easy, bilang refresher para sa mga barangay.
Ibinahagi ng City Treasurer’s Office (CTO) ang paggamit ng QC Pay Easy para sa mas mabilis at mas maayos na pagbabayad ng Real Property Tax at iba pang city transactions.
Ipinaliwanag din ng mga kinatawan ng GCash at Maya kung paano pinapabilis ng e-wallets ang proseso ng payments sa lungsod at remittances pabalik sa barangay.
Tinalakay rin ni Ms. Margie Mejia ang Barangay Clearance Fees Integration, kung saan hinikayat ang mga barangay na maging mas proactive sa pag-evaluate ng business permit applications at sa paggamit ng e-payments para sa city transactions.
Sa huling bahagi, pinangunahan ni Councilor Charm Ferrer ang Barangay Consultation ukol sa Unified Fees, proposed Barangay e-Payments Ordinance, at Nano-Enterprise Fees.
Layunin ng dalawang araw na aktibidad na ito na ihanda ang mga barangay tungo sa mas digital, efficient, at transparent na serbisyo publiko sa Quezon City.








