Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nakibahagi ang mga senior citizens ng Districts 4 at 6 sa 2-day Community Development Workers’ Training ng Barangay and Community Relations Department na idinaos sa Aberdeen Court ngayong Huwebes.
Bilang bahagi ng participatory governance ng lungsod, ipinapahayag ng seniors ang mga problemang kinahaharap ng kanilang sektor upang mabigyang solusyon ng Lokal na Pamahalaan.
Layon din ng seminar na makatulong sa pagbabalangkas ng mga polisiya at programang angkop para sa mga senior QCitizens.










