Nagsagawa ng dalawang araw na SOGIESC Training at Planning Session ang Save the Children Philippines – Project Pride sa Cristina Villas Mountain Resort, Antipolo City. Layon nitong isulong ang mainstreaming ng SOGIESC para sa mga bata at makabuo ng mas inklusibong mga polisiya ng pamahalaan.

Dumalo ang mga kinatawan mula sa Public Employment Service Office, Gender and Development Council Office, QC Protection Center, Social Services Development Department at QC Citizen Services Department Helpline 122. Nagpadala rin ng mga kinatawan ang Council for the Welfare of Children – Makabata Helpline at Malabon LGU.

Pinangunahan nina Mr. Jude Apolonio, Project Officer, at Ms. Jerly Mae M. Villanda, Child Protection Manager ng Save the Children Philippines ang event.

+9