Sumailalim sa 2-day training at immersion ang mga bagong halal na opisyal ng Quezon City Division Federation of Supreme Secondary Learner Government kasama ang Public Affairs and Information Services Department.
Ibinahagi ni PAISD head Engelbert Apostol at mga kawani ng tanggapan ang mahahalagang kaalaman at kasanayan sa production tulad ng scriptwriting, video editing, shooting, at directing.
Kasama rin sa pagsasanay ang mga kawani ng Schools Division Office – Quezon City na gumabay sa mga mag-aaral para mapaunlad ang kanilang kakayahan sa paggawa ng makabuluhang content.
Nasaksihan din ng mga estudyante ang livestreaming ng Usapang QC, ang bi-monthly online talkshow program ng lokal na pamahalaan.
Ang pagsasanay ay bahagi ng paghahanda ng mga mag-aaral at SDO-QC sa pagbabalik ng Q-ChiKabataan.
Ang Q-ChiKabataan ang teen talks program ng SDO-QC na nagbibigay-kaalaman at inspirasyon sa kabataang QCitizens.








