Nagsagawa ng 2-day training tungkol sa “Child Rights for the Special Protection of Children” ang Quezon City Government na dinaluhan ng mga namumuno sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod.
Dito ay tinalakay ang mga suliraning may kaugnayan sa kapakanan ng kabataan tulad ng child labor, online sexual abuse at exploitation gayundin ang mga hakbangin upang masugpo ang mga ito.
Katuwang ng QC Government ang World Vision Philippines at School Division Office of Quezon City sa pag-organisa ng nasabing training.