QCitizens, isa na namang parangal ang natanggap ng ating lungsod nang mapabilang ito sa mga lungsod sa NCR na nakakuha ng highest functionality rating para sa 2019 and 2021 Regional Peace and Order Councils Functionality Audit ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Kabilang sa mga natanggap ng lungsod ay ang:
• 2021 High Functional Anti-Drug Abuse Councils
• 2019 and 2021 Functional Local Peace and Order Councils
Patuloy pang magsusulong ang lokal na pamahalaan ng mga programa at polisiya upang mas mapaigting ang peace and order at public safety sa ating lungsod.