Mabuhay ang Lungsod Quezon!

Isa ang Quezon City sa mga lungsod sa National Capital Region na pumasa sa 2021 Good Financial Housekeeping ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Kinilala ng DILG ang mga pagsisikap ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod Quezon sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Joy Belmonte sa pagpapanatili ng kahusayan, maayos at tapat na sistema ng pamamahala ng pampublikong pondo na alinsunod sa Commission on Audit (COA) at Full Disclosure Policy.

Ang Good Financial Housekeeping (GFH) ay iginagawad ng DILG sa Local Government Units (LGUs) na mahusay ang pamamahala ng pondo ng bayan pagdating sa financial transparency at accountability.

Source: Department of the Interior and Local Government (DILG)
Link: https://dilg.gov.ph/…/dilg-reports-resources-2022531…