Umalalay ang Lokal na Pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan sa unang araw ng 2023 Bar Examinations sa University of the Philippines (UP) ngayong umaga.
Nag-deploy ng 15 e-trikes ang Department of Public Order and Safety na nagsilbing shuttle ng mga examinees patungo sa testing sites sa UP campus. May mga nakaantabay ding ambulances, rescue at fire trucks.
Umalalay naman sa pagsasaayos ng trapiko ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department at Metropolitan Manila Development Authority. Present din ang mga kawani ng Supreme Court, UP, QC Health Department, Disaster Risk Reduction and Management Office, QC Police Department, QC Fire District at Brgy. UP Diliman.