Sinimulan ngayong araw ang City-Wide Basketball League sa pangunguna ng tanggapan ni Vice Mayor Gian Sotto at Sports Development Office.
Aabot sa 1,700 na kabataan mula District 1-District 6 ang lumahok sa palarong ito. Ibinida din ng iba-ibang barangay ang kanilang basketball teams at nag-gagandahang mga muse. Mismong si VM Sotto ang nag-ceremonial toss para sa mga manlalaro.
Naging panauhin kanina sina Mayor Joy Belmonte, District 3 Rep. Franz Pumaren, District 5 Rep. PM Vargas, Coun. Nanette Castelo-Daza, Coun. Chuckie Antonio, Coun. Julian Trono, Assistant City Administrator for Operations Alberto Kimpo, at PBA Legends na sina Vince Hizon at Benjie Paras.