Bilang bahagi ng selebrasyon ng 2023 Drug Abuse Prevention and Control Month, nagsagawa ang pamahalaang lungsod ng Youth Fun Run sa pangunguna ni Vice Mayor Gian Sotto katuwang ang QC Anti-Drug Abuse Advisory Council (QCADAAC) at mga mag-aaral mula sa public junior high at senior high schools.

Tinatayang umabot sa 1,000 mag-aaral ang nakiisa sa fun run at zumba activity na naglalayong isulong ang public awareness ukol sa negatibong epekto ng paggamit ng ilegal na droga.

Hinikayat rin ang mga komunidad na makiisa sa kampanya laban sa ilegal na droga.

Tuwing Nobyembre ay ginugunita ang Drug Abuse Prevention and Control (DAPC) Month, alinsunod sa City Ordinance No. SP-2893, S-2019.

+56