Ginawaran ng Best Practice of Innovative Technology ang Quezon City Government sa ginanap na 2023 SCSE Kaohsiung-Smart & Sustainable City Forum and ICLEI Member Assembly noong March 30, 2023.
Sa 2022 Global Smart Solution Report, kinilala ang ating Trash to Cashback program bilang mahusay na adhikain sa pagsulong ng sustainable urban development at pagbibigay-pansin sa mga sumusunod: low-emission development, resilient development, circular development, nature-based development, at people-centered and equitable development.
Sa kabuuan ng ating programa, mahigit 124,000 kilograms na recycables ang ipinalit ng mga QCitizens para sa enviromental points kung saan maaaring ipalit sa groceries at ipangbayad sa utility bills.
Basahin ang karagdagang detalye tungkol sa ating Trash to Casback program: https://quezoncity.gov.ph/…/faq-trash-to-cashback…/….