Sari-saring parangal ang natanggap ng QC sa ginanap na 2023 Urban Governance Exemplar Awards ng Department of the Interior and Local Government – NCR. ✨

Pinangunahan ni Vice Mayor Gian Sotto kasama sina Asst. City Administrator for Operations Alberto Kimpo, DILG-QC Director Emmanuel Borromeo, at mga kinatawan ng pamahalaang lungsod ang pagtanggap sa mga sumusunod na award:

• Child-Friendly Local Governance Audit Recognition

• Manila Bay Clean-up, Rehabilitation, and Preservation (MBCRP) Program Recognition

• Local Committees on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Children (LCAT-VAWC) Functionality Audit

• Local Council for the Protection of Children (LCPC) Functionality Audit

• Anti Drug Abuse Council (ADAC) Performance Audit

• Peace and Order (POC) Performance Audit

Kinilala rin ang Barangay Talipapa at Barangay Holy Spirit para sa kanilang pagpapatupad ng Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG) sa Barangay Project ng DILG.

Nagwagi ng Lupon Tagapamayapa Incentives Award ang Barangay San Bartolome habang Regional Winner ang Sangguniang Panlungsod ng QC sa 2023 Local Legislative Award.

Ang mga pagkilalang nakamit ng QC Government ay nagsisilbing patunay ng maayos at mahusay na pamamahala para sa QCitizens.

+11