Dumalo bilang kinatawan ni Mayor Joy Belmonte si District 1 Councilor Charm Ferrer sa idinaos na 2024 Accountancy Week Celebration ng Government Association of Certified Public Accountants Inc. (GACPA) Day ngayong araw.
Tinanggap din ni Coun. Ferrer ang plaque of appreciation na iginawad ng GACPA kay Mayor Belmonte.
Bahagi rin ng programa ang turnover ceremony para sa mga outgoing officials ng GACPA, induction, at oathtaking ceremony ng para naman sa mga GACPA National Officers para sa fiscal year 2024 to 2025.
Hinirang na GACPA National President para sa taong ito si City Accounting Department OIC Ruby Mangangu.
Kasama ring dumalo sa GACPA Day ang mga miyembro at opisyal ng organisasyon na sina Atty. Delia Esguerra, Atty. Eugenio Dizon, Lynn Sicango, Commission on Audit Commissioner Roland Pondoc, at Atty. Alexander Juliano.