Bumisita sa tanggapan ng Gender and Development Local Learning Hub ang grupo ng 2024 Angat Bayi Fellows bilang bahagi ng kanilang empowerment fellowship program.
Kasabay nito, binisita rin ng grupo ang GAD Council Office na pinangungunahan ni Gender and Development Head Ms. Janete Oviedo.
Ibinahagi ni Ms. Janete ang ilang Gender and Development mainstreaming at PPAs (Programs, Projects and Activities) na mayroon sa lungsod.
Pinuntahan rin ng fellows ang QC Female Dormitory, QC Protection Center, Social Hygiene and Sundown Clinic Project 7, at Bahay Kanlungan.