Bukod sa masakit sa mata, delikado rin sa mga residente ang mga sala-salabat, mga nakalawit, at mga napabayaang kawad ng kuryente.
Kaya naman sa loob ng higit isang taon, naging misyon na ng Bgy. Masambong na maalis ang mga ito sa kanilang barangay.
At nitong 29th QC Barangay Day, isa ang Anti-Dangling Wire Program ng Bgy. Masambong sa mga nakasungkit ng Best Practices Award. Pero paano ba ito nakatutulong sa mga residente? Panoorin dito: