Aktibong nakibahagi ang daan-daang batang QCitizens sa workshop na isinagawa bilamg bahagi ng 2024 Children’s Summit sa Quezon City Science High School.

Bumalangkas ng action plan, call to action, at video campaign materials laban sa Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) at Child Sexual Abuse and Exploitation Materials (CSAEM), at maging tungkol sa Helpline 122 ang batang participants kung saan itinanghal na winners ang Team Purple, Blue, at Yellow.

Layunin ng aktibidad na ito na palawigin ang kamalayan ng kabataan kaugnay sa OSAEC at CSAEM at itaguyod ang QC Helpline 122 bilang kanilang sumbungan sa oras ng pangangailangan.

Nagsilbing hurado sa workshop sina ECPAT Philippines Child Online Protection Program Officer Mr. Ginno Corral, Council for the Welfare of Children Planning Officer Mr. Elino Bardillon, PNP Children Concern Section, Women and Children Cybercrime Protection Chief PCPT. Chonalyn Sagun, at Pat. Michaella Lim, Schools Division Office Superintendent Dr. Carleen Sedilla, at Public Affairs and Information Services Department head Mr. Engelbert Apostol.

Dumalo rin sa okasyon si District 3 Coun. Dok Geleen Lumbad kung saan ipinahayag niya ang kahalagahan ng bawat bata at mga programang laan ng lungsod para sa kanila.

+61