Congratulations, Quezon City Kabahagi Center for Children with Disabilities!
Ginawaran ang QC Kabahagi Center ng 2024 Gelia Castillo Award for Research in Social Innovations in Health (GCARSIH) para sa proyektong “Rehabilitation for All: Flexicoaching as a Sustainable Model for Universal Access to Disability Care”.
Itinanghal na first place ang proyekto ng QC Kabahagi Center mula sa 70 entries ng iba-ibang pribado at pampublikong institusyon sa buong bansa.
Bukod sa parangal ay makakatanggap din ang top 3 outstanding projects
ng cash prize, eligibility sa funding ng research & development project, training, at workshop.
Ang GCARSIH ay binuo ng Department of Health – Philippine Council for Health Research and Development upang bigyang pagkilala ang mga outstanding social innovation na tumutugon sa mga isyung panlipunan at hamon ng health system sa bansa.



