Binigyang-pugay ng Quezon City Public Employment Service Office, sa pangunguna ng kanilang Migrants Resource Center, ang mga natatanging Overseas Filipino Worker (OFW) sa idinaos na 2024 Ka-QC Waging Pamilyang OFW Awarding Ceremony kahapon.
Tampok sa parangal ang mga OFW na patuloy na nagtataguyod sa kanilang pamilya sa kabila ng hamon ng pangingibang-bansa. Layon nitong bigyang-halaga ang tagumpay at kontribusyon ng mga OFW sa Lungsod Quezon.
Dumalo sa pagtitipon sina Commission on Filipinos Overseas Usec. Atty. Ma. Arlene Borja, Department of Migrant Workers Asec. Atty. Francis Ron De Guzman, District 4 Coun. Egay Yap, at PESO Manager Rogelio L. Reyes.
Katuwang sa programa ang Swiss IT Academy, Intelegente Publishing, Pru Life UK, Phirst Park Homes, DOST-NCR, Pag-Ibig Fund, at Center for Migrant Advocacy (CMA).
Kabilang sa mga pinarangalan ang mga sumusunod:
Grand Winner – Rosalina R. Marcena (District 5)
1st Runner-up – Maria Rodora R. Penilla (District 2)
2nd Runner-up – Rene S. Debil (District 4)
District 1 – Laura E. Pascual
District 3 – Nancy M. Laurona
District 6 – Michelle Q. Dela Cruz
Panoorin ang highlights ng awarding ceremony sa post na ito: https://www.facebook.com/QuezonCityPESO/videos/1066996655437494




