Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Naimbitahan si Mayor Joy Belmonte bilang keynote speaker sa ginanap na 2024 Metro Manila Business Conference (MMBC) na may temang “Integrating Trade, Technology, & Tourism for Sustainable Economic Transformation” na pinangunahan ng Philippine Chamber of Commerce and Industry – National Capital Region.
Ibinahagi ng alkalde ang mga proyekto na ginagawa ng lokal na pamahalaan para manguna at maging sentro ng negosyo ang Lungsod Quezon.
Binigyang-diin niya ang mga inklusibong programa sa pag-abot ng Sustainable Development Goals (SDGs).
Kasama ni Mayor Joy sa MMBC si Business Permits and Licensing Department Head Marge Mejia.








