Isang pagpupugay sa mga bayaning guro! 🧑‍🏫

Sama-samang ipinagdiwang ng Department of Education, mga guro, at education stakeholders ng bansa ang 2024 National Teachers’ Month sa Smart Araneta Coliseum.

Nanguna sa selebrasyon si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kasama sina First Lady Louise Araneta-Marcos, DepEd Secretary Sonny Angara, House Speaker Martin Romualdez, Mayor Joy Belmonte at iba pang mga alkalde at kongresista sa Metro Manila.

Ibinahagi ng pangulo ang mga inisyatiba at programa ng pamahalaan para sa mga guro tulad ng dagdag sahod, allowance, mga benepisyo, at mga teaching material na kanilang kakailanganin sa pagtuturo.

Kinilala rin at binigyang-pugay ang iba-ibang guro mula sa bawat rehiyon ng bansa para sa kanilang kontribusyon sa edukasyon ng mga kabataang Pilipino.

Nakiisa rin sa pagdiriwang sina NTM Coordinating Council Chairperson and Metrobank Foundation President Aniceto Sobrepeña at DepEd Schools Division Officers sa bawat rehiyon.

Siniguro din ni Mayor Joy sa kanyang talumpati na patuloy ang suporta ng lokal na pamahalaan sa mga QC teachers dahil prayoridad ng lungsod na mapaunlad pa ang antas ng edukasyon sa lungsod.

#MyHeroTeacher

#NTD2024

+59