Congratulations, Mayor Joy Belmonte!
Ginawaran si Mayor Joy ng Outstanding Volunteers Award (OVA) 2024 ng Students’ Actions Vital to the Environment and Mother Earth (SAVE ME) Movement, Inc. dahil sa kanyang inisyatibo at pagsusulong ng mga programa upang protektahan ang karapatang pantao, pangangalaga sa kalikasan, at gender equality sa QC.
Ang kanyang dedikasyon at pamumuno ay nagbibigay inspirasyon para sa isang pantay at inklusibong lungsod.
Isa si Mayor Joy sa 11 indibidwal na pinarangalan ngayong taon.
Ang SAVE ME Movement, Inc. ay isang environmental movement na katuwang ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Operation Listo na may adbokasiya na palakasin ang disaster preparedness ng mga LGU.

