QC supports social enterprises!
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang unang araw ng 2024 Philippine Social Enterprise Roadmap Conference sa Seda Hotel, Vertis North.
Tinalakay ni Mayor Joy ang pagbibigay ng prayoridad para sa pantay na oportunidad sa bawat QCitizen pagdating sa pangkabuhayan upang sila ay maging matagumpay sa larangan ng pagnenegosyo.
Binanggit ng alkalde ang mga programa ng QC upang tulungan ang Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) tulad ng Pangkabuhayang QC, POP QC, at ang paggawa ng localized Social Enterprise Development Roadmap.
Kabilang sa mga nakiisa sa programa sina Bayan Family of Foundations Chairman and President, Prof. Francisco Enrique “Jay” M. Bernardo, III at All-Party Parliamentary Group of Malaysia on Sustainable Development Goals (APPGM-SDG) Head of Secretariat, Dr. Denison Jayasooria.
Kasama sa conference sina Asian Solidarity Economy Council Chairperson, Dr. Eri Trinurini, QC Small Business and Cooperatives Development Promotions Office head, Mona Celine Yap at kabilang ang mga local artisans at social enterprises sa lungsod.
Ang programang ito ay inorganisa ng Bayan Family of Foundations, at ng Society for the Advancement of Professional Social Entrepreneurship, katuwang ang Quezon City Government, Tatak SE, Ayala Corporation, All-Party Parliamentary Group Malaysia, Asian Solidarity Economy Council, Asia Value Advisors Ltd at ng iba pang sponsors.