Sa ikalawang araw ng 2024 Philippine Social Enterprise Roadmap Conference, tinalakay ang Philippine SE Roadmap Model ng mga Local Government Units sa pangunguna ng Quezon City, Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao, at Odiongan. Inilahad din ang Strategic Plan na isinagawa sa mga nabanggit ng LGUs.
Nagkaroon din ng panel discussion na pinamunuan ng Head of QC Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office, Ms. Mona Celine Yap, Chief of Social Enterprise Division – Cooperative and Social Enterprise Authority of BARMM, Mr. Lininding Pangandaman, Mayor of Municipality of Odiongan, Hon. Trina Firmalo-Fabic. Dito naipakita ang kanilang mga programa para sa mga Social Enterprises sa kanilang mga lungsod at munisipalidad.
Sa ikalawang bahagi ng conference, inilahad naman ang SE and SSE Development Program sa Palu City, Indonesia at ang role ng mga Parliamentarians sa multi-stakeholders na inisiyatiba sa tagumpay ng SE at SSE sa Malaysia. Inilahad din ang mga Asian Cases mula sa Pilipinas, Malaysia, Thailand, at Mongolia sa pagpapatibay ng SSE sa Asia.
Bilang huling aktibidad, nagkaroon din ng dalawang workshop ang Philippine SE Roadmap Council Subsectors at ASEAN SSE Agenda Core Group na kung saan, sila ay nagkaroon ng paghahanda para sa isasagawang 2025 SDG-SSE Summit at mga action programs na ilalatag sa susunod na taon.