Sa ikatlong araw ng 2024 ResQClympics semifinal round, sinubukan ang galing ng Barangay Emergency Response Teams sa Water Search and Rescue at boat handling.
Makatutulong ang water rescue skills tuwing may emergency tulad ng victim rescue at disasters tulad ng matinding pagbaha.
Nakaantabay ang urban search and rescue teams ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office upang masiguro ang kaligtasan ng mga kalahok.




