Nakiisa ang mga delegado ng Quezon City, sa pangunguna ni Vice Mayor Gian Sotto, sa 2024 WeGO Activities Kick-off Event sa Seoul, South Korea kasama ang 200 stakeholders mula sa iba-ibang bansa.
Dito ay nakipagpulong sina Vice Mayor Sotto sa alkalde ng Goyang City upang pag-usapan ang best practices sa urban governance at mga potential collaboration sa pagitan ng dalawang lungsod.
Bahagi ito ng benchmarking activities na isinagawa ng QC na makakatulong sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga residente sa pamamagitan ng mga strategic partnership at global best practices.