Inorganisa ng Public Employment Service Office ang paggunita sa 2024 World Day Against Child Labor na may temang “Bawat Bata Malaya: Mithiin ng Nagkakaisang Bansa.”
Nagkaroon ng pagkakataon ang mga magulang na kumonsulta sa iba-ibang serbisyo at programa ng lungsod mula sa City Health Department, Youth Development Office, at Small Business and Cooperatives Development Promotions Office upang matiyak na hindi na nila kailangang pagtrabahuhin ang kanilang mga anak.
Nakatanggap din ang mga child laborer ng school supplies, grocery packs, bigas, Joy of Urban Farming Kit, at Disaster Preparedness Bag sa tulong ng Project Angel Tree.
Nagsagawa naman ng talakayan ang Save the Children, sa pangunguna ni Mr. Jude Apolonio, tungkol sa Child Rights at SOGIESC para sa parehong mga bata at kanilang mga magulang, na nagbigay kaalaman at pag-unawa sa karapatan ng bawat bata.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni PESO Manager Rogelio L. Reyes, kasama sina Ms. Dianne Lyneth Alavado ng DOLE-BWSC, Engr. Martin T. Jequinto ng DOLE-NCR Quezon City Field Office, Ms. Anita T. Garcia ng World Vision – Project ACE, at Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc.