Kinilala si Mayor Joy Belmonte bilang isa sa mga tagapagtaguyod ng magandang ugnayan ng mga Pilipino at Tsino, sa ginanap na 2025 Award for Promoting Philippines-China Understanding (APPCU) sa Manila Hotel.
Isa si Mayor Joy Belmonte sa Major Contribution Awardees ng APPCU, sa ilalim ng Association for Philippines-China Understanding (APCU).
Bilang alkalde, pinangunahan ni Mayor Joy ang pagsusulong ng pagtutulungan ng Chinese at Filipino-Chinese business communities na nagpalago pa sa ekonomiya ng Quezon City.
Iba-ibang programa rin ang ipinatupad ni Mayor Joy para sa Filipino-Chinese community sa lungsod, tulad ng institutionalization ng Chinese New Year Celebration at pagde-deklara sa Banawe bilang isa sa mga cultural tourism hub ng QC.
Nagsimula noong 2021, ang APPCU ay kumikilala sa mga natatanging Pilipino na may malaking kontribusyon sa pagtitiyak ng matatag na pagkakaibigan at ugnayan ng Pilipinas at China.




