Ginawaran ang Quezon City Government bilang 2025 Champion for the Urban Poor ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP)–NCR sa ginanap na PCUP Culminating Program. Ito ay bahagi ng pagdiriwang ng NCR-wide Urban Poor Solidarity Week na may temang “Sama-sama sa pag-alpas, sa Bagong Pilipinas.”
Personal na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang parangal at nagbigay ng talumpati tungkol sa iba-ibang proyekto ng lungsod sa social services tulad ng pabahay, libreng gamot, at scholarship programs.
Ang parangal na ito ay patunay ng walang patid na pagsisikap ng lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng mga inisyatibong naglalayong mapabuti ang kalidad ng buhay ng QCitizens.
Patuloy na nakaagapay ang Quezon City Government sa sektor ng urban poor at iba pang marginalized sector para sa sama-samang pag-asenso at pag-unlad.




