Kinilala ang Quezon City Government bilang 2025 Champion for the Urban Poor mula sa Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) NCR.
Tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang parangal, na pagkilala sa mga inisyatibo at programa ng lungsod na nag-angat sa antas ng pamumuhay ng mga residente.
Tatlong magkasunod na taon na ring nananalo ang QC sa Natatanging Lingkod Maralita Award, kaya’t hall of famer na ang lokal na pamahalaan.
Sa kanyang talumpati, binanggit ni Mayor Joy ang iba-ibang proyekto ng lokal na pamahalaan partikular sa social services, kabilang ang pabahay, libreng gamot, at scholarship programs.
Binigyang-diin din ng alkalde ang kahalagahan ng pagtutulungan ng bawat sektor para makamit ang pagbabago at sama-samang pag-asenso at pag-unlad.
Nakaagapay ang Quezon City Government sa sektor ng urban poor at iba pang marginalized sector, para masuportahan sila sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.
Bukod sa QC Government, ginawaran din ang Jollibee Group Foundation (CSO), Muntinlupa City (LGU), Department of Labor and Emploment- NCR (NGA), at Samahang Magkakapit-bahay 15-25, Mandaluyong City (Urban Poor Organization) ng Natatanging Lingkod Maralita Award.
Ang awarding ceremony ay bahagi ng selebrasyon ng NCR-wide Urban Poor Solidarity Week, na may temang “Sama-sama sa pag-alpas, sa Bagong Pilipinas.”








