Ipinagdiwang ng pamahalaang lungsod ang ika-213 anibersaryo ng kapanganakan ni Melchora “Tandang Sora” Aquino ngayong ika-6 ng Enero.
Nag-alay ng bulaklak ang mga opisyal ng lungsod sa pangunguna nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto, District 6 Rep. Marivic Co-Pilar, mga konsehal, at Barangay Tandang Sora council.
Nakiisa sina City Administrator Michael Victor Alimurung, QMC Senior Curator Janice Tambo, at mga kamag-anak at apo ni Tandang Sora sa seremonya.
Kinilala naman si Dr. Carolyn I. Sobritchea bilang 2025 Gawad Tandang Sora Awardee para sa kanyang ambag sa pagsusulong ng kapakanan ng mga kababaihan sa pamamagitan ng kanyang mga academic research at projects.
Siya ay dating dean ng University of the Philippines Asian Center at kasalukuyang direktor ng UP Center for Women’s Studies Foundation, Inc.
Ang Gawad Tandang Sora ay kumikilala sa mga natatanging kababaihan na nagpamalas ng katapangan, malasakit, at pagmamahal sa bayan.