Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
QC RECEIVES GRANT FROM GCF!
Isa ang Lungsod Quezon sa anim na syudad sa buong mundo na makakatanggap ng grant mula sa 2025 Global Cities Fund for Migrant and Refugees!
Sa tulong ng Mayors Migration Council , ilulunsad ng lungsod ang QC Cares, ang kauna-unahang member-owned cooperative para sa domestic workers at nakauwing overseas Filipino workers sa QC.
Sa pamamagitan ng savings, credit schemes, training, at job-matching services magkaroon ng access ang mga miyembro ng budget sa livelihood, social protections, at pagkamit ang economic mobility.
Layon ng programa na makatulong sa QCitizen families, palakasin ang workforce sa QC, at magkaroon sila ng magandang kinabukasan.



