Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Sumailalim na ang Quezon City Government sa validation at assessment ng Department of Health (DOH) at Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa 2025 Healthy Communities Award.
Malugod na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte at ng Team QC ang mga validator, na masusing susuri sa mga programa at proyekto ng lungsod na nagsusulong ng kalusugan at kapakanan ng bawat residente.
Bukod sa mga programang pangkalusugan, kabilang sa mga ibinahagi ng lungsod ang mga inisyatibo tulad sa pagtitiyak na may green at open spaces, maayos na solid waste management, pagsusulong ng smoke-free, vape-free, at drug free community, at pagbibigay ng disente at ligtas na tirahan.








