Congratulations, QC! ![]()
Ginawaran ng Department of Health (DOH) ang Quezon City ng 2025 Healthy Communities Award, bilang pagkilala sa iba-ibang programa at inisyatibo nito na nagsusulong ng komprehensibong serbisyong pangkalusugan upang mapabuti ang kalidad ng buhay ng bawat QCitizen.
Batay sa isinagawang masusing pagsusuri at onsite validation, kabilang ang QC sa mga piling Highly Urbanized Cities (HUC) na nakapagtala ng “Good” overall rating. Ito ang pangalawa sa pinakamataas na antas ng pagkilala sa naturang parangal. Isang patunay na natugunan ng lungsod ang hindi bababa sa 70% ng mga pamantayan sa lahat ng 12 component domains ng programa.
Maraming salamat po sa pagkilalang ito. Asahan ninyong magsisilbi itong inspirasyon sa amin upang patuloy na makapaghatid ng dekalidad at inklusibong pangangalagang medikal para sa lahat






