Nakiisa ang Quezon City Government sa paggunita ng 2025 International Year of Cooperatives (IYC) sa Quezon Memorial Circle nagyong araw.

Sa kanyang mensahe, kinilala ni Mayor Joy Belmonte ang kahalagahan ng mga kooperatiba sa pag-unlad ng mga kabuhayan na susi sa mas magandang kinabukasan ng mga mamamayan.

Pinagtibay ng alkalde ang suporta sa mga kooperatiba, sa pamamagitan ng paglagda sa Solidarity Statement ng IYC.

Aabot sa 5,000 miyembro ng cooperatives mula sa iba-ibang rehiyon sa bansa ang dumalo sa pagtitipon.

Bukod kay Mayor Joy, naglahad din ng kani-kanilang mensahe sina President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Rep. Nicanor Briones, Rep. Felimon Espares, Cooperative Development Authority Chairperson Asec. Myrla Paradillo, at National Alliance of Cooperatives President MGen. Gilbert Llanto (Ret.).

Layon ng IYC na mapalakas ang public awareness campaign tungkol sa mga kooperatiba; maisulong ang mas malakas na cooperative ecosystem; makapagbigay ng mga capacity-building opportunity; at hikayatin ang mga kabataan na makiisa sa cooperative movement.

+31