Nagsilbing panauhing pandangal sina Mayor Joy Belmonte at Sen. Francis Tolentino sa ginanap na 2025 National Assembly ng Lady Local Legislators’ League of the Philippines, Inc. (Four-L Philippines) sa Novotel, Manila.

Layon ng pagtitipon na talakayin ang kahalagahan ng papel at ambag ng mga kababaihan lalo na sa pamamahala at local legislation.

Nagbigay rin ng mensahe ang TV host at kilala bilang ‘King of Talk’ na si Boy Abunda upang magbigay inspirasyon sa mga kababaihang lider.

Nanguna sa programa sina Four-L Philippines National President and Iloilo Vice Governor Tingting Garin at Executive Vice President and District 3 Coun. Kate Coseteng.

Nakisaya rin ang ilang Four-L PH members at QC women legislators na sina Majority Floor Leader Doray Delarmente, Councilors Nikki Crisologo, Imee Rillo, Nanette Castelo-Daza, Marra Suntay, Mutya Castelo, Sami Neri, at ilang Sangguniang Kabataan officials.

Happy Women’s Month at mabuhay ang mga kababaihang mambabatas! 💜

+24