Annyeong, Korea! Lungsod Quezon, papunta na!
Sa labing anim (16) na LGUs na sumabak sa 2025 National Information, Science and Technology Challenge for Youth with Disabilities, anim (6) na LGUs ang mapalad na makakabiyahe patungong South Korea, at kabilang dito ang Quezon City!
Sa labing dalawang (12) estudyanteng lumahok mula sa iba-ibang lungsod, nakapagtala ang Lungsod Quezon ng dalawang (2) Qualifiers at dalawang (2) Category Champions.
QUALIFIERS:
Jaime A. Dismaya III mula sa Commonwealth High School
Jhinel Miaqella J. Trillanes mula sa Judge Juan Luna High School
Top 1 Visual Disability Category
Hailey R. Pontanal ng Judge Juan Luna High School
Top 1 Intellectual Disability Category
Ken T. Mendres mula sa Ferdinand Amorsolo Sr. High School
Personal na dumalo si Ms. Deborah C. Dacanay, Head ng Quezon City Persons with Disability Affairs Office (PDAO), sa awarding ceremony bilang pagbibigay suporta sa mga kinatawan ng lungsod.
Pagbati para sa ating QCitizens! Patuloy na nakasuporta ang Quezon City Government, sa pangunguna ng QC PDAO, para sa inyong tagumpay, dahil #SaQCLahatKasali.




