Panalo ang mga kabataang QCitizen sa ginanap na 2025 National Information, Science and Technology Challenge for Youth with Disabilities!
– Hailey Pontanal ng Judge Juan Luna High School (Top 1 Visual Disability Category)
– Ken Mendres mula sa Ferdinand Amorsolo Sr. High School (Top 1 Intellectual Disability Category)
– Jaime A. Dismaya III mula sa Commonwealth High School (Qualifier)
– Jhinel Miaqella J. Trillanes mula sa Judge Juan Luna High School (Qualifier)
Kabilang din sila sa mga kabataan na magiging kinatawan ng Pilipinas sa darating 2025 Global IT Challenge for youth with disabilities sa South Korea.
Proud ang Quezon City Government sa kanilang galing, kaya ipinahayag ni Mayor Joy Belmonte at Persons with Disability Affairs Office (PDAO) Head Debbie Dacanay ang suporta ng lungsod sa kanila.
Inorganisa ng National Council on Disability Affairs, layon ng patimpalak na maipamalas ng children with disabilities ang kanilang galing sa ICT, at science and technology.



