Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Another award for QC! ![]()
Itinanghal na Hall of Fame Awardee ang Lungsod Quezon sa ginanap na 51st Philippine Business Conference & Expo sa SMX Convention Center Manila, Pasay City, dahil ito na ang ikatlong beses na pagkapanalo ng QC mula sa PCCI sa loob ng tatlong magkakasunod na taon
Muling kinilala ang lungsod bilang 2025 Most Business-Friendly Local Government Unit (LGU) Awards – City Level 1A ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) para sa category ng Highly Urbanized Cities sa National Capital Region (NCR).
Ang tagumpay na ito ay hindi lamang para sa lokal na pamahalaan, kundi para sa bawat QCitizen na katuwang sa pagtataguyod ng progresibo, inklusibo, at business-friendly na lungsod.
Muli, congratulations QC at QCitizens!




