QUEZON CITY: HALL OF FAME AWARDEE! ![]()
Muling kinilala ang Quezon City bilang 2025 Most Business-Friendly Local Government Unit (LGU) Awards – City Level 1A ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) para sa category ng Highly Urbanized Cities sa National Capital Region (NCR).
Tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang parangal kasama si QC Business Permits and Licensing Department Head Margie Mejia sa ginanap na 51st Philippine Business Conference & Expo sa SMX Convention Center Manila, Pasay City.
Ito na ang ikatlong beses na pagkapanalo ng Quezon City mula sa PCCI sa loob ng tatlong magkakasunod na taon, kaya’t opisyal nang ginawaran ang lungsod bilang Hall of Fame Awardee. Patunay ito ng patuloy na pag-unlad at mahusay na ugnayan ng pamahalaan at pribadong sektor upang higit pang mapalago at mapadali ang pagnenegosyo sa QC.
Ang tagumpay na ito ay hindi lamang para sa lokal na pamahalaan, kundi para sa bawat QCitizen na katuwang sa pagtataguyod ng progresibo, inklusibo, at business-friendly na lungsod.
#LGUAwards#PCCI#MostBusinessFriendly








