Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Ibinida ni Mayor Joy Belmonte ang civic space commitment ng Lungsod Quezon sa Open Government Partnership (OGP) roundtable discussion na “Global Dialogue on Participation and Inclusion”.
Ibinahagi ng alkalde ang iba-ibang programa at polisiya ng lungsod na nagbibigay halaga sa partisipasyon ng mamamayan sa pamamagitan ng malayang pagpapahayag, pagtitipon, at pakikipag-ugnayan sa pamahalaan.
Kasalukuyang nakikiisa ang Quezon City sa 2025 OGP Global Summit sa Vitoria-Gasteiz, Spain.







