Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Bago ang pagsisimula ng 2025 Open Government Partnership (OGP) Global Summit sa Spain, naimbitahan si Mayor Joy Belmonte sa high-level welcome reception na pinangunahan ni Basque Country President Imanol Pradales.
Nagtipon-tipon sa eksklusibong event na ito ang mga mayor, governor, ministro, at local leaders mula sa iba-ibang bansa.
Ang OGP ay isang global initiative kung saan nagsasama-sama ang mga government at civil society organization upang isulong ang bukas, tapat, at responsableng pamahalaan. Hinihikayat nito ang aktibong pakikilahok ng mamamayan sa pagbuo ng mga polisiya at proyekto, at maging sa paghimay at pagpaplano ng budget.








