Nakibahagi ang Quezon City sa isa sa mga session sa Open Government Partnership (OGP) Global Summit na “National and Local Practices for Effective, People-Centered Justice”.
Tampok dito ang mga matagumpay na halimbawa mula sa iba-ibang bansa at lokal na pamahalaan kung paano ginagawang mas epektibo at nakasentro sa tao ang justice system.
Ibinahagi ni Mr. Tristan Joseph Alcantara, kinatawan ng Quezon City Government, kung paano isinasabuhay ng ating lokal na pamahalaan ang mga prinsipyo ng open government upang gawing mas inklusibo, abot-kamay, at tumutugon sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mamamayan ang katarungan, lalo na sa marginalized sector.
Ang session ay inorganisa ng OGP katuwang ang Organization for Economic Co-operation and Development (OECD) at Community of Madrid.








