Nakiisa si Mayor Joy Belmonte sa inorganisang session ng Basque Country Government at Open Government Partnership (OGP) Local na OGP Local Afternoon: Connect, Learn, and Lead.
Tinalakay sa session ang mga praktikal na halimbawa ng open government sa lokal na antas. Binigyang-diin dito ang kahalagahan ng transparency, partisipasyon ng mamamayan, at pananagutan sa pamahalaan.
Nagkaroon din ng kolaborasyon sa pagitan ng mga lider at kinatawan mula sa iba-ibang lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng moderated discussion at breakout sessions.
Bahagi ang session ng 2025 OGP Global Summit na kasalukuyang idinadaos sa Vitoria-Gasteiz, Spain.




