Nagsama-sama ang social entrepreneur, mga opisyal ng pamahalaan, private organizations, NGOs, at mga paaralan, sa 2025 Philippine Social Enterprise Roadmap Conference sa QC M.I.C.E. Center.
Sa temang “Technology Innovations in Social Enterprise and the Social and Solidarity Economy for the SDGs,” layon ng conference na ipakita at maibida ang technology innovations sa social enterprises na mas magpapaunlad pa sa kanilang industriya.
Sa kanyang keynote address, binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte na mahalaga ang sama-samang aksyon at suporta ng iba-ibang sektor para maiangat ang antas ng pamumuhay ng komunidad nang sustainable at pangmatagalan.
Nagbigay din ng kani-kanilang mensahe sina Globe Telecom Vice President Ms Helen Grace Marquez, BPI Foundation Executive Director Ms Ma. Carmina Marquez, at Bayan Family of Foundations President and CEO Prof. Carlo Sagun.
Gaganapin ang conference sa loob ng tatlong araw. May mga discussion, at breakout sessions din na nakatuon sa pagpapaunlad at pagpapalawig pa ng social enterprises.








