Another big win for Quezon City! ![]()
Ginawaran sa prestihiyosong 2025 Presidential Award for Most Child-Friendly City ang Lungsod Quezon sa ilalim ng Highly-Urbanized Cities Category.
Ito ang unang pagkakataon na natanggap ng lungsod ang nasabing parangal.
Dumaan sa masusing validation ang mga programa ng Quezon City mula sa mga kinatawan ng Council for the Welfare of Children, Department of the Interior and Local Government, at Department of Labor and Employment bago nakalusot bilang national finalist at presidential awardee.
Ang parangal na ito ay isang patunay sa patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan upang mas bigyang prayoridad ang karapatan ng mga bata at kabataan sa lungsod.
Dahil sa QC, mahalaga ang bawat bata at kabataang QCitizen!
Muli, congratulations QC!




