It’s game time, QC!
Pumarada ang mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon bilang pagsisimula ng taunang sportsfest na pinangunahan ng Quezon City Hall Employees Athletic Association (QCHEAA).
Layunin ng sportsfest na ito na itaguyod ang healthy at active lifestyle, teamwork, at sportsmanship sa mga empleyado ng City Hall.
Ang mga palarong sasalihan ng mga manlalaro ng bawat departamento ay asintabla, basketball, volleyball, darts, badminton, table tennis, billiards, chess, bowling, lawn tennis, at e-games.




