Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagpakitang gilas at talento ang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa Quezon City sa Drum & Lyre Competition bilang bahagi ng engrande at masayang selebrasyon ng ng Chinese New Year Celebration 2026 sa Banawe Chinatown.
Kabilang sa nakilahok ang Commonwealth High School, Batasan Hills National High School, Lagro High School, North Fairview High School, San Bartolome High School, and Sta. Lucia High School sa kumpetisyon.
Sa Bazaar Area, musika ang dala ng buskers na lalong nagpasigla sa bawat sulok ng pagdiriwang. Tampok din ang mga pelikulang “Supermassive Heavenly Body” at “Runo!” sa film screening ng QCinema.








