Happy Chinese New Year, QCitizens! ![]()
![]()
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang ribbon-untying ceremony para sa pagbubukas ng mga bazaar sa Banawe bilang hudyat ng QC Chinatown Chinese New Year Celebration 2026.
Tampok dito ang maliliit na negosyo ng lungsod na nag-aalok ng Chinese at Filipino food, pati na rin traditional Chinese New Year items at iba pang produkto. Layon nitong suportahan ang mga negosyong nagpapasigla sa ekonomiya ng lungsod.
May Kilo/s Kyusi booth din ang kung saan maaaring mag-donate ng preloved na damit kapalit ng food vouchers sa bazaar.
Nakiisa sa seremonya sina QC Tourism Department OIC Giana Barata, Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office head Mona Yap, MMDA General Manager Gen. Nicolas Torre III, Coun. Doray Delarmente, District Action Officers, iba pang city officials.
Marami pang nakahandang aktibidad mamaya kaya habol na sa Banawe!








