Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Isinagawa ng Quezon City Barangay and Community Relations Department (BCRD), sa pangunguna ni BCRD Head Ricky Corpuz, ang ikalawang araw ng 2026 Community Development Workers’ Training para sa ikatlong batch ng mga kinatawan ng livelihood sector ng Barangay Batasan Hills.
Bilang bahagi ng programa, pinangunahan ng City Planning and Development Department (CPDD) ang lecture at workshop sa pagbuo at pagpapatupad ng mga proyektong pangkabuhayan.
Layunin din ng pagsasanay na dagdagan ang kaalaman ng community development workers sa iba’t ibang sektor sa paghahatid ng mga programa sa kanilang mga komunidad.










