Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Isinagawa ng Quezon City Barangay and Community Relations Department ang 2026 Community Development Workers’ Training para sa mga kinatawan ng sektor ng senior citizens, livelihood, at mga vendor.
Layunin ng pagsasanay na palakasin ang kakayahan ng mga community development workers upang mas maging epektibo ang paghahatid ng serbisyo at programa para sa iba’t ibang sektor ng komunidad.
Nakiisa sa opening ceremony si QC BCRD Head Ricky Corpuz at mga kawani ng lokal na pamahaalan.










